Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Proposed budget shows diminishing priority for health

IBON NEWS | 1 September 2010 | Falling subsidy for indigents belies promise of universal health care

Contrary to the Aquino government’s target of expanding the coverage of healthcare for all, the proposed national budget for 2011 has allotted a decreased budget for public hospitals and subsidy for indigents, according to research group IBON.
 
The 2010 budget item “Premium Subsidy for Indigents under the National Health Insurance Program (NHIP)” of Php5.17 billion falls to zero in 2011. If this has been transferred to the 2011 budget item “Subsidy for Health Insurance Premium of Indigent Families including for Informal Sector Enrolled in the National Health Insurance Program” which only increases by Php3.5 billion, then this implies that subsidies for indigents under the NHIP actually falls by Php1.67 billion.
 
Budget allocation for 55 public hospitals nationwide also falls by Php363.7 million – from Php5.2 billion in 2010 to Php4.8 billion in 2011. Moreover the budget for specialty hospitals (i.e. Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center and Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care) falls by Php970.6 million.
 
At the same time the subsidy to indigent patients for confinement or use of specialized equipment falls by Php20 million – or more than half – from Php36 million in 2010 to Php16 million in 2011. Budget for 12 major public hospitals (i.e. Jose Reyes Memorial, Rizal Medical, East Avenue Medical, Quirino Memorial, Tondo Medical, Jose Fabella Memorial, National Children’s Hospital, National Center for Mental Health, Philippine Orthopedic, San Lazaro, Research Institute for Tropical Medicine and Amang Rodriguez Medical) falls by Php4 million.
 
However, amid the falling budgets for public hospitals, IBON notes that military hospitals have increased allocations in the proposed budget. For instance, the budget of the AFP Medical Center increases by Php168 million, from Php923.5 million (2010) to Php1.091 billion (2011), while that of Veterans Memorial Medical Center increases by Php130.7 million.
 
One of the Aquino government's supposed priority projects is to give ordinary citizens, especially the poor and elderly, access to quality professional healthcare. However falling government spending on health, especially for those who cannot afford to pay for healthcare and rely on subsidized government services, shows a continuing pattern of government's neglect of the public health sector. (end)


=======


Mungkahing 2010 badyet, nagpapakita ng bumabagsak na prayoridad sa kalusugan

Balitang IBON | 1 Setyembre 2010 | Bumabagsak na subsidyo para sa mga nangangailangan, kontra sa pangako para sa pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan

Kabaligtaran ng target ng gubyernong Aquino sa pagpalawak ng saklaw ng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat, ang mungkahing pambansang badyet para sa 2011 ay naglaan ng mas mababang badyet para sa mga pampublikong ospital at subsidyo para sa mga nangangailangan, ayon sa grupong panaliksik na IBON.

Ang aytem sa 2010 badyet na “Premium Subsidy for Indigents under the National Health Insurance Program (NHIP)” na PhP 5.17 bilyon ay bumagsak sa wala ngayong 2011. Kung nailipat ito sa aytem sa 2011 badyet na “Subsidy for Health Insurance Premium of Indigent Families including for Informal Sector Enrolled in the National Health Insurance Program” na tumaas lamang nang PhP 3.5 bilyon,  ipinapakita lamang nito na ang subsidyo para sa mga nangangailangan sa ilalim ng NHIP ay bumagsak sa aktwal nang PhP 1.67 bilyon.

Bumagsak rin ang alokasyon sa badyet para sa 55 pampublikong ospital sa buong bansa nang PhP 363.7 milyon – mula PhP 5.2 bilyon noong 2010 papuntang PhP 4.8 bilyon nitong 2011. Higit pa, ang badyet para sa mga ospital na may espesyalidad (hal., Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care ) ay bumagsak nang PhP 970.6 milyon.

Gayundin ang subsidyo sa mga nangangailangang pasyente na kinakailangang maospital o gagamit ng espesyal na aparato ay bumagsak nang PhP 20 milyon – o higit kalahati – mula PhP 36 milyon noong 2010 papuntang PhP 16 milyon nitong 2011. Ang badyet para sa 12 pangunahing ospital pampubliko (hal., Jose Reyes Memorial, Rizal Medical, East Avenue Medical, Quirino Memorial, Tondo Medical, Jose Fabella Memorial, National Children’s Hospital, National Center for Mental Health, Philippine Orthopedic, San Lazaro, Rewearch Institute for Tropical Medicine at Amang Rodriguez Medical) ay bumagsak nang PhP 4 milyon.

Gayunman, sa gitna ng mga bumabagsak na badyet para sa mga pampublikong ospital, pinuna ng IBON na tumaas ang alokasyon para sa mga ospital militar sa mungkahing badyet. Halimbawa, ang badyet para sa AFP Medical Center ay tumaas nang PhP 168 milyon, mula PhP 923.5 milyon (2010) papuntang PhP 1.091 bilyon (2011), habang yaong sa Veterans Memorial Medical Center ay tumaas nang PhP 130.7 milyon.

Isa sa mga diumano’y prayoridad na proyekto ng gubyernong Aquino ay bigyan ang mga ordinaryong mamamayan, laluna ang mga mahihirap at matatanda, ng de-kalidad na prupesyunal na pangangalagang pangkalusugan. Subalit ang bumabagsak na paggastos sa kalusugan, laluna ng mga walang kakayahang bayaran ang pangangalagang pangkalusugan at umaasa sa nakasubsidyong serbisyong pampamahalaan, ay nagpapakita ng nagpapatuloy na padron ng pagpapabaya ng gubyerno sa pampublikong sektor na pangkalusugan. ###


 

Ibon.org, top
    Copyright © 2014 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.