Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Will RP gain from Aquino US visit? Trip may cause more harm than good, says group

IBON News | 20 September 2010 | With renewed commitments from both countries to negotiate a bilateral free trade deal, the MCA funding could be used to compel the Philippines to agree to a one-sided agreement.

Research group IBON today warned that the much-hyped US visit of Pres. Benigno “Noynoy” Aquino may result in more harm than good, as the group expressed serious concern that his first official foreign trip may further deepen the implementation of economic policies long discredited for undermining national development, destroying local industries and jobs, and marginalizing the poor.

The group issued the statement as President Aquino leaves for the US today for a week-long visit to attend the United Nations (UN) General Assembly in New York, meet with US investors for his administration’s public-private partnership (PPP) projects, and witness the formal signing of a US$434-million compact grant agreement under the US government’s Millennium Challenge Account (MCA).

IBON said that the financial assistance from the MCA will put additional pressure on the Philippines to further open up its economy to more imported commodities and foreign capital. It added that MCA is a highly conditional aid, noting that the MCA requires the Philippines to maintain so-called economic freedom to continue receiving the aid. Other MCA requirements include fighting corruption, public investment on education and health care, etc.

Economic freedom means business freedom in reality, as it spells the least possible government intervention in the operation of businesses that entails dismantling barriers to the free flow of trade and investment through liberalization; elimination of government regulatory functions through deregulation; and dismantling of state monopoly over certain economic activities through privatization. IBON noted that conservative US think-tank and staunch advocate of free market and limited government, the Heritage Foundation, designed the index used to measure a country’s so-called economic freedom to become eligible for MCA funding.

The US has repeatedly raised the issue of barriers to US trade and investment in the Philippines through the annual report of the US Trade Representative (USTR), among others. In its 2010 report, the USTR reiterated its long-standing position that certain provisions of the 1987 Constitution represent barriers to US trade and investment such as the constitutional ban on foreign ownership of land as well as foreign equity limits on utilities, telecommunication, mass media, etc.

IBON said the MCA gives the US more leverage to pressure the bankrupt Philippine government to address these issues. It also added that with renewed commitments from both countries to negotiate a bilateral free trade deal, the MCA funding could be used to compel the Philippines to agree to a one-sided agreement.

Meanwhile, IBON said that Aquino’s plan to step up his privatization efforts by aggressively inviting US investors to participate in his PPP campaign in his US visit ignores almost three decades of experience with privatized utilities and infrastructure.  The country’s experience with the privatization of the power and water sector as well as toll roads, for example, has only resulted in exorbitant user fees while deepening the government’s fiscal woes.

The group urged the Aquino administration to seriously rethink its economic policies if it sincerely wants to bring about change that will benefit the country. Otherwise, the President’s visit to the US will do more harm than good and will result in more of the same problems that the economy has faced for decades. (end)

===

Makikinabang ba ang Pilipinas sa pagbisita ni Aquino sa US? Maaring magdulot ng higit na pinsala kaysa kabutihan ang byahe, ayon sa grupo

 Balitang IBON | 20 Setyembre 2010 | Sa panibagong pagpapanata ng parehong bansa upang pag-usapan ang isang bilateral na kasunduan para sa malayang kalakalan, ang pondong MCA ay maaaring magamit upang pilitin ang Pilipinas na sumang-ayon sa isang makaisang-panig na kasunduan.

 Nagbabala ang grupong panaliksik na IBON ngayong araw na ang balitang-balitang pagbisita sa US ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ay maaaring magresulta sa higit na pinsala kaysa kabutihan, habang nagpapahayag ng seryosong pag-aalala na ang una niyang upisyal na byahe palabas ng bansa ay maaaring magpalalim sa pagpapatupad ng mga palisiya na matagal nang pinupuna dahil sa pagsira sa pambansang pag-unlad, pagwasak sa mga lokal na industriya at trabaho, at pasasantabi sa mga mahihirap.

Ipinahayag ito ng grupo sa araw na papaalis si Pang. Aquino papuntang US para sa isang-linggong pagbisita upang dumalo sa United Nations (UN) General Assembly sa New York, makipagkita sa mga mamumuhunang US para sa mga proyektong public-private partnership (PPP) ng kanyang administrasyon, at saksihan ang pormal na pagpirma ng isang US$434-milyong compact grant agreement sa ilalim ng Millenium Challenge Account (MCA) ng gubyernong US.

Sinabing IBON na ang tulong pampinansya mula sa MCA ay maglalagay ng dagdag na presyur sa Pilipinas upang ibayong buksan ang ekonomya nito sa higit pang imported na kalakal at dayuhang kapital. Idinagdag nitong ang MCA ay isang lubhang kundisyonal na ayuda, at pinansing inoobliga ng MCAna panatilihin ang tinatawag na kalayaang pangekonomya upang patuloy na makatanggap ng ayuda. Kabilang sa mga rekisito ng MCA ang paglaban sa korapsyon, pamumuhunang pampubliko para sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, etc.

Ang kalayaang pangekonomya ay nangangahulugan ng kalayaan sa negosyo sa aktwal, gayong isinasaad nito ang pinakakaunting posibleng pakikisangkot ng gubyerno sa operasyon ng mga negosyo na susundan ng pagtanggal sa mga hadlang sa malayang pagdaloy ng kalakalan at pamumuhunan sa pamamagitan ng liberalisasyon; pagtanggal ng gawaing ng gubyerno na nagreregula sa pamamagitan ng deregulasyon, at pagtanggal ng monopolyo ng estado sa ilang aktibidad pangekonomya sa pamamagitan ng pribatisasyon. Pinuna ng IBON na ang konserbatibong think-tank sa US at matatag na tagapagsulong ng malayang kalakalan at limitadong gubyerno, ang Heritage Foundation, ang nagdisenyo sa  gagamiting panukat sa anila’y pangekonomyang kalagayan upang maging karapat-dapat para sa pondo ng MCA.

Paulit-ulit nang ihinapag ng US ang mga isyu ng hadlang sa kalakalan at pamumuhunan nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng taunang report ng UST Trade Representative (USTR), bukod sa iba pa. Sa ulat nitong pang-2010, binigyang-diin ng USTR ang matagal na nitong posisyon na ang ilan sa mga probisyon ng 1987 Constitution ay kumakatawan sa mga hadlang sa pangangalakal at pamumuhunan ng US tulad ng pagbawal ng konsitusyon sa dayuhang pagmamay-ari ng lupa gayundin ang paglimita sa dayuhang bahagi sa mga kagamitan, telekomunikasyon, midyang pangmadla, atbp.

Samantala, sinabi ng IBON na ang plano ni Aquino na paigtingin ang mga hakbang sa pribatisasyon sa pamamagitan ng agresibong pag-imbita sa mga mamumuhunang US na lumahok sa kampanya niyang PPP sa pagbisita niya sa US ay nagsasawalang-bahala sa halos tatlong dekada ng karanasan sa mga isinapribadong kagamitan at imprastruktura. Ang karanasan ng bansa sa pagsasapribado ng kuryente at tubig gayundin sa toll roads, halimbawa, ay nagresulta lamang sa matataas na singilin habang pinalalala ang mga suliraning piskal ng gubyerno.

Hinikayat ng grupo ang administrasyong Aquino na seryosong pag-isipan ang mga patakarang pangekonomya kung tunay nitong nais na magsagawa ng pagbabago na pakikinabangan ng bansa. Kung hindi, ang pagbisita ng Pangulo sa US ay lilikha ng higit na pinsala kaysa kabutihan, at magrersulta sa marami pang parehong mga problema na maraming dekada nang kinakaharap ng ekonomya.

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.