Research group IBON urges the Aquino government to demand the service contractors of Malampaya Gas Project to immediately pay the Philippine government its share of the project’s income and refund the amount of taxes that the government practically paid on their behalf.
The understated proceeds are said to amount to Php53 billion because contractors Shell Exploration, Chevron and PNOC have been deducting their corporate income tax from the government’s 60%-share of the gas project since 2004. IBON notes that ironically, these lost revenues occurred during the period when Filipino consumers were reeling from sky-high prices of petroleum while the economy faced huge budget deficits.
The research group welcomed the report made by the Commission on Audit (COA) on the Department of Energy which stated that Malampaya contractors should not be exempted from paying its corporate income tax and should directly pay these to the Philippine government.
IBON added that government should immediately review the severely unfair service contract with Shell and Chevron. The contract has already showered these foreign firms with innumerable perks and exemptions through the service contract. For instance the contractors are exempted from various Philippine taxes and laws except income taxes. They also enjoy duty-free importation and repatriation of profits and capital investment, among others.
According to the group, these exemptions reveal how government has abandoned its constitutional duty and right to fully control and supervise the Malampaya project for the sake of national interest. It also urged government not to blindly enter into contracts that only abuse the country's natural resources without due regard to people's interest and national patrimony. (end)
===
Mga kontraktor ng Malampaya dapat agad bayaran ang P53-B bahagi ng gubyrno; Lubhang tagibang na kontrata sa seribisyo sa Shell, Chevron dapat repasuhin
Balitang IBON | 20 Setyembre 2010 | Ang bumabang deklarasyon ng mga bayarin ay nagkakahalaga umano ng P53 bilyon dahil tuluy-tuloy na binabawasan ng mga kontraktor na Shell Exploration, Chevron at PNOC ang kanilang corporate income tax mula sa 60% sapi ng gubyerno sa proyektong gas noon pa man.
Hiniling ng grupong panaliksik na IBON sa gubyernong Aquino na igiit sa mga kontraktor sa serbisyo ng Malampaya Gas Project na kagyat na bayaran ang gubyerno ng Pilipinas ng bahagi nito sa kita ng proyekto at ibalik ang halaga ng mga buwis na halos gubyerno na ang nagbayad para sa kanila.
Ang bumabang deklarasyon ng mga bayarin ay nagkakahalaga umano ng P53 bilyon dahil tuluy-tuloy na binabawasan ng mga kontraktor na Shell Exploration, Chevron at PNOC ang kanilang corporate income tax mula sa 60% sapi ng gubyerno sa proyektong gas mula pa 2004.
Pinuna ng IBON bilang kabalintunaan na ang paglaho ng kita ay naganap sa panahong ang mga mamimiling Pilipino ay nagdudusa sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo habang ang bansa ay naharap sa napakalalaking depisito sa badyet.
Ikinalugod ng grupong panaliksik ang ulat ng Commission on Audit (COA) sa Departamento ng Enerhiya na nagsaad na ang mga kontraktor ng Malampaya ay di dapat patawarin sa pagbayad ng corporate income tax nila at dapat ay bayaran ito nang direkta sa gubyerno ng Pilipinas.
Idinagdag pa ng IBON na dapat kaagad na repasuhin ng guberno ang lubhang tagibang na kontrata sa serbisyo sa Shell at Chevron. Pinaulanan na ng kontrata ng di-mabilang na mga konsuwelo at eksempsyon ang mga kumpanya sa pamamagitan ng kontrata sa serbisyo. Halimbawa, di obligado ang mga kontraktor sa sari-saring mga buwis at batas ng Pilipinas maliban sa buwis sa kita. Tinatamasa rin nila ang libre-sa-buwis na pag-angkat at paglabas ng tubo at kapital na puhunan, bukod sa iba pa.
Ayon sa grupo, ang mga eksempsyon na ito ay nagpapakita kung papaano inabandona ng gubyerno ang konstitusyonal na tungkulin nito at karapatan na buung-buong kontrolin at pangasiwaan ang proyektong Malampaya alang sa pambansang interes. Hinikayat rin nito ang gubyerno na huwag bulag na pumasok sa mga kontratang umaabuso lamang sa likas na yaman ng bansa nang walang karampatang paggalang sa interes ng mamamayan at pambansang patrimonya.