Contrary to the claim of the Asian Development Bank (ADB), allowing profit-oriented private corporations to take over the management and distribution of water resources will not address the water crisis. The experience of countries around the world that have implemented water privatization shows that public-private partnership (PPP) has even worsened the problem.
Advocacy group Water for the People Network (WPN) issued the statement as the ADB wraps up today its five-day conference “Water crisis and choices” in its Manila headquarters.
During the conference, the ADB warned that Asia will face a severe water crisis by 2030, with the shortfall in water supply reaching as much as 40 percent. To address the situation, the multilateral financial institution is drawing up a new framework for water operations that calls for efficiency improvement and greater PPPs.
According to WPN, it is ironic that in justifying its renewed push for water privatization the ADB cited the Philippines as the “best example so far in the region” in terms of PPP initiatives in the water sector. The ADB was referring to the privatization of the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) in 1997 that transferred to private concessionaires Manila Water and Maynilad the task of delivering water to almost 14 million people in Metro Manila and nearby areas.
The WPN reminded the ADB that just a few months ago, almost half of Metro Manila suffered from water shortage and thousands of residents had to endure long queues and water rationing. While the authorities blamed the low water level at Angat Dam, which supplies 97% of domestic water needs of the metropolis, the group said that the impact would not have been as bad without the structural issues related to the MWSS privatization 13 years ago.
For instance, even prior to the water shortage, only 60% of 760,000 households in the service area of Maynilad have 24-hour water supply and more than half of its water allocation are wasted due to leaking pipes and pilferage. Manila Water, on the other hand, claims 99% coverage but this includes those serviced by a third party private contractor often in poor communities. These private companies promised universal access to water by 2001 and a 24/7 water supply.
The group warned that promoting more PPPs in the water sector will aggravate the deteriorating condition of the world’s water supply. Contrary to the aim of “water for all” trumpeted by the ADB, dwindling water resources are likely to be increasingly monopolized by the rich at the expense of poor families who cannot afford escalating user fees common in PPP projects.
Reiterating its call to stop the privatization and corporate takeover of water services and resources, the WPN said that the public sector is still in the better position to deal with the worsening problem of water services facing the world because of its inherent mandate to deliver public goods and services such as water. (end)
The Water for the People Network (WPN) is a nationwide multi-sectoral alliance of various groups campaigning for people’s control over their water resources. IBON is part of the network secretariat.
===
Di malulutas ng PPP ang krisis sa tubig, taliwas sa deklarasyon ng ADB
Ang karanasan ng mga bansa sa buong mundo na nagpatupad ng pribatisasyon ng tubig ay nagpakitang lalo lamang pinalala ng public-private partnership (PPP)ang suliranin.
Taliwas sa deklarasyon ng Asian Development Bank (ADB), ang pagpayag na akuin ng mga pribadong tinutulak-ng-tubong mga korporasyon ang pangangasiwa at distribusyon ng tubig ay hindi makalulutas sa krisis nito. Ang karanasan ng mga bansa sa buong mundo na nagpatupad ng pribatisasyon sa tubig ay nagpakitang ang public-private partnership (PPP) ay lalo lamang nagpalala sa problema.
Nagpahayag ang grupong adbokasiya na Water for the People Network (WPN) habang ang ADB ay nagtatapos ngayon ng limang-araw na kumperensyang “Water Crisis and Choices” sa punong-himpilan nito sa Maynila.
Sa kumperensya, nagbabala ang ADB na ang Asya ay mahaharap sa matinding krisis sa tubig sa 2030, na ang kakulangan sa suplay ng tubig ay aabot sa kasing-taas ng 40 porsyento. Upang harapin ang sitwasyon, ang multilateral na institusyong pinansyal ay humuhugot ngayon ng bagong balangkas para sa mga operasyong tubig na nananawagan para sa pagiging episyente, pag-unlad at higit pang PPPs.
Ayon sa WPN, kabalintunaan na sa pagkatuwiran para sa panibagong tulak nito para sa pribatisasyon sa tubig, sinabi ng ADB na ang Pilipinas ang “pinakamahusay na halimbawa sa ngayon sa rehiyon” sa usapin ng inisyatiba sa PPP sa sektor ng tubig. Pinapatungkulan ng ADB ang pribatisasyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 1997 na naglipat sa mga pribadong negosyanteng Manila Water at Maynilad ang tungkulin na maghatid ng tubig sa halos 14 milyong mamamayan sa Metro Manila at kalapit na lugar.
Ipinaalala ng WPN sa ADB na ilang buwan pa lamang ang nakararaan, halos kalahati ng Metro Manila ang dumanas ng kakulangan sa tubig at libu-libong mga residente ang kinailangang magtiis sa mahahabang pila at pagrarasyon ng tubig. Habang sinisi ng mga awtoridad ang mababang lebel ng tubig sa Angat Dam, na nagsusuplay ng 97% ng lokal na pangangailangang tubig ng Kamaynilaan, sinabi ng grupo na ang epekto nito ay hindi sana naging gayon kalala kung walang mga isyung kaugnay ng pribatisasyon ng MWSS 13 taon na ang nakararaan.
Halimbawa, kahit bago pa magkaroon ng kakulangan sa tubig, 60% lamang ng 760,000 kabahayan sa eryang sineserbisyuhan ng Maynilad ang may 24-oras suplay ng tubig at higit sa kalahati ng alokasyon nito sa tubig ay nasasayang dahil sa mga tumutulong tubo at daanan ng tubig. Samantala, ang Manila Water, ay nagsasabing 99% ang saklaw nito subalit kabilang na rito yaong mga sineserbisyuhan ng “third party” na pribadong kontraktor kadalasan sa mga mahihirap na komunidad. Ang mga pribadong kumpanyang ito ay nangako ng pangkalahatang pagiging abot-kamay ng tubig sa taong 2001 at 24/7 suplay ng tubig.
Nagbabala ang grupo na ang paglako sa higit pang PPPs sa sektor ng tubig ay magpapalala sa lumalala nang kundisyon ng suplay ng tubig sa buong mundo. Taliwas sa layuning “tubig para sa lahat” na itinatambuli ng ADB, ang pagkaunti ng mapagkukunan ng tubig ay higit sa malamang na ibayong mamomonopolisa ng mga mayayaman sa kapinsalaan ng mahihirap na pamilya na walang kakayahang magbayad sa papaigting na mga bayaring komon sa mga proyektong PPP.
Sa pagbibigay-diin sa panawagan nitong itigil ang pribatisasyon at pagsakop ng mga negosyo sa mga mapagkukunan at serbisyo ng tubig, sinabi ng WPN na ang pampublikong sektor ay nasa mas mainam na pusisyon pa rin upang suungin ang lumalalang suliranin ng serbisyong tubig na kinakaharap ng mundo dahil sa likas na mandato nitong maghatid ng pampublikong kalakal at serbisyo gaya ng tubig.#