Research group IBON criticizes government’s new poverty methodology as unreflective of the real situation of poor Filipinos, saying that the adjustments made on the already-flawed methodology has further distorted the picture of poverty in the country.
The National Statistical Coordination Board (NSCB) yesterday released official poverty figures based on adjustments on the poverty estimation methodology, which the agency approved early this month. The new method supposedly estimates a food bundle, which is important because some three-fifths of the income of the poorest half of the population is spent on just food.
However, the estimates are based on a “least cost” food bundle, which the research group says may not be available to most Filipinos. This bundle apparently also relies on “revealed preference” which seems to mean that it reflects actual spending, but may be a pattern of spending not so much by choice but rather forced on Filipinos who adjust their spending according to their poverty. According to the group, the experience of poor Filipinos on the ground is the strongest argument that the new poverty line is detached from everyday realities.
Moreover, the revised methodology now pegs the official poverty threshold, or the amount supposedly necessary for a tolerable standard of living, at just PhP46 per person per day in 2009. This is lower than what would have been a national poverty line of PhP52 according to the old methodology, and effectively reduces the number of poor by 5.32 million without really improving the poverty situation. If the original methodology was consistently used this would show that the number of poor Filipinos increased from 2006 by 850,000 to 28.5 million in 2009. It must be stressed that this is still a likely low estimate and assumes that a Filipino needs just P52 per day to stay out of poverty.
The research group says it is also disappointing that the government will only generate parallel estimates according to the old and new methodologies for just three years. This will make poverty estimates over time even more incomparable aside from, perhaps intentionally, giving the impression that poverty has been markedly decreasing. IBON also asks how the new methodology will affect the formulation of future poverty alleviation programs, especially amid rising prices and joblessness.
The government should cut poverty by increasing the incomes of Filipinos instead of reducing the poverty threshold. This is a similar situation to the change in the definition of unemployment in April 2005 under the previous Arroyo administration which statistically reduces the number of unemployed by some 1.5 million and the unemployment rate by around 3.6 percentage points without actually reducing the number of jobless Filipinos. (end)
===
Nirebisang metodolohiya sa kahirapan ng gubyerno, lutang sa tunay na sitwasyon
Gamit ng ‘least cost’ food bundle, kinwestyon
Tinuligsa ng grupong panaliksik na IBON ang bagong metodolohiya ng gubyerno sa kahirapan na bigo sa pagsalamin ng tunay na sitwasyon ng mahihirap na Pilipino, sa pamamagitan ng pagsabing ang mga pagbabagong ginawa sa dati nang problemadong metodolohiya ay lalong bumaluktot sa larawan ng kahirapan sa bansa.
Inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB) kahapon ang upisyal na datos sa kahirapan batay sa mga pagbabago sa metodolohiya ng pagtantsa ng kahirapan, na inaprubahan ng ahensya sa maagang bahagi ng buwang ito. Diumano’y tinatantsa ng bagong kaparaanan ang ‘food bundle’ o bugkos ng pagkain, na mahalaga dahil may tatlo sa limang bahagi ng kita ng pinakadukhang kalahati ng populasyon ay ginagastos sa pagkain lamang.
Subalit ang mga pagtantsa ay nakabatay sa ‘pinakamurang halagang’ bugkos ng pagkain, na sabi ng grupong panaliksik ay maaaring hindi natatamasa ng karamihang Pilipino. Lumilitaw na nakadepende rin ang bugkos na ito sa ‘ipinapakitang kagustuhan’ na nagmimistulang nangangahulugan na sinasalamin nito ang aktwal na paggastos, subalit maaaring isang padron lamang ng paggastos di ayon sa pasya o pagpili kundi napipilitan ang mga Pilipino na inaangkop ang kanilang paggastos ayon sa kanilang kahirapan. Ayon sa grupo, ang karanasan ng mahihirap na Pilipino sa aktwal ang pinakamatibay na argumento na ang bagong ‘poverty line’ ay lutang sa araw-araw na mga reyalidad.
<
Dagdag pa, inilalagay ng bagong metodolohiya ang upisyal na hangganan ng kahirapan (poverty threshold) o ang halagang kinakailangan para sa kinakayang antas para mabuhay, sa P46 kada tao kada araw noong 2009. Mas mababa ito kaysa kung ang pambansang ‘poverty line’ ay P52 ayon sa lumang metodolohiya, at epektibong pinabababa ang bilang ng mahihirap nang 5.32 milyon nang hindi naman talaga pinabubuti ang sitwasyon ng kahirapan. Kung ang orihinal na metodolohiya ay tuluy-tuloy na ginamit, maipapakita nito na ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay tumaas mula 2006 nang 850,000 hanggang 28.5 milyon noong 2009. Dapat bigyang-diin na maaaring mababang pagtantsa ito at inaakong ang Pilipino ay nangangailangan ng P52 lamang kada araw upang di mabilang na mahirap.
Sinabi rin ng grupong panaliksik na nakakadismayang huhugot lamang ang gubyerno ng mga katumbas na pagtantsa ayon sa bago at lumang metodolohiya sa loob ng tatlong taon. Gagawin nitong lalong mali na ikumpara ang mga pagtantsa sa kahirapan sa paglipas ng panahon bukod sa, maaaring sadya, na magbigay ng impresyon na ang kahirapan ay malinaw na humuhupa. Itinatanong rin ng IBON kung papaano maaapektuhan ng bagong metodolohiya ang pormulasyon ng mga programang pampawi ng kahirapan sa hinaharap, laluna sa harap ng tumataas na mga presyo ng bilihin at kawalang-trabaho.
Dapat makitil ng gubyerno ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kita ng mga Pilipino sa halip na pababain ang hangganan ng kahirapan. Katulad na sitwasyon ito sa pagbabago ng depinisyon sa tantos ng disempleyo noong Abril 2005 sa ilalim ng lumipas na administrasyong Arroyo na sa estadistika ay pinababa ang bilang ng mga walang trabaho nang may 1.5 milyon at ang tantos ng disempleyo nang may 3.6 porsyentong puntos nang hindi tunay na pinabababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.