Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Filipino household help contribute more to economy than mining

IBON News | 14 March 2012 | There were 1.95 million domestic help employed in the country (5.2% of total employment), aside from some 1.3 million more overseas, compared to only 211,000 (0.6% of employment) in mining.

The labors of Filipino household help in the country and abroad contribute more to the economy than mineral extraction, says research group IBON. This underscores how the mining industry’s contribution to the economy should not only be in terms of the value of minerals produced, but also how these should be used to develop Filipino industry.

While stressing that labor export and low-paying jobs manifest severe jobs scarcity in the country, IBON said that ironically, household help contributes more to the economy than mining — highlighting how problematic the export-oriented and liberal mining industry is in the country.

In 2011, Filipino domestic household workers in the Philippines and abroad contributed at least Php167.4 billion worth of services and remittances to the economy compared to the mining industry’s Php122.1 billion in gross production value or just Php99.2 billion in gross value added (GVA) according to the Mines and Geosciences Bureau (MGB). Mining and quarrying only accounted for 1.5% of gross domestic product (GDP) in 2011.

More than 15 times as many Filipinos work as domestic household workers than are employed in the mining industry. There were 1.95 million domestic help employed in the country (5.2% of total employment), aside from some 1.3 million more overseas, compared to only 211,000 (0.6% of employment) in mining.

IBON added that mining firms do not just employ much fewer people, but at most, give only short-term benefits to local communities which last only as long as mines are operating.

Moreover, the contribution of mining is finite and ends once the mineral resources are used up. The long-term loss of Philippine mineral resources is irreversible—this underscores how the country has to get economic benefits from its mineral wealth beyond a mere share in revenues. These additional benefits will only materialize if the country has domestic industry that processes its mineral wealth and uses these as inputs for manufacturing higher-value intermediate and final goods.

Mining firms currently just extract the country's mineral resources which are exported for the benefit of foreign industries. As a rough indicator, for instance, in 2011 the US$2,043 million (Php88.5 billion) in mining exports was equivalent to 89% of mining GVA. While some of the country's minerals return in final products imported by Filipinos, this is likely to be disproportionately small compared to Philippine mining exports because the country has a thin market for goods compared to many other countries.

The value of services rendered by domestic household workers was estimated by multiplying their number by their Php140.89 average daily basic pay, both taken from the Labor Force Survey (LFS), by 365 days of the year – for a total of Php100.3 billion. The average daily basic pay is taken as a proxy of the economic value of their services. The remittances from domestic household workers overseas was estimated by multiplying IBON’s estimate of 1.3 million working abroad by an assumed remittance of US$100 (Php4,300) per month – for a total of Php167.4 billion. (end)

===============

Mga kasambahay na Pilipino, higit ang kontribusyon sa ekonomiya kaysa pagmimina

Nag-aambag ng higit na halaga sa ekonomiya kaysa pagmimina ang trabaho ng mga kasambahay sa Pilipinas at sa ibang bansa, , ayon sa grupong panaliksik na IBON. Pinatatampok nito na ang kontribusyon ng industriya ng pagmimina sa ekonomiya ay di lamang dapat sa usapin ng halaga ng nalilikhang mineral, kundi kung papaano ito gagamitin para magpaunlad ng industriyang Pilipino.

Binigyang-diin ng IBON na ang labor export at mga trabahong mababa ang sweldo ay palatandaan ng matinding kakulangan ng trabaho sa bansa. Subalit, ayon sa IBON, higit pa ang naiaambag ng mga kasambahay sa ekonomiya kaysa pagmimina.


Noong 2011, nag-ambag ang mga Pilipinong kasambahay sa Pilipinas at sa ibang bansa ng di bababa sa Php167.4 bilyong halaga ng serbisyo at remitans sa ekonomiya. Samantala, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), Php122.1 bilyon ang gross production value ng industriya ng pagmimina o Php99.2 bilyon lang sa gross value added (GVA). Ang mining at quarrying ay bumuo lamang ng 1.5% ng gross domestic product (GDP) noong 2011.


May 15 beses mas maraming Pilipinong nagtatrabaho bilang kasambahay kaysa nagtatrabaho sa industriya ng pagmimina. May 1.95 milyong kasambahay sa bansa (5.2% ng kabuuang bilang ng kabuuang empleyo), maliban pa sa may 1.3 milyon sa ibang bansa. Ikumpara ito sa 211,000 (.6% ng kabuuang empleyo) lamang sa pagmimina.


Idinagdag pa ng IBON na ang mga kumpanya sa pagmimina ay hindi lamang nag-eempleyo ng mas kaunting tauhan, kundi masahol pa, nagbibigay lamang ng pansamantalang benepisyo  sa mga lokal na komunidad habang nasa operasyon lamang ang minahan.


Higit pa, ang kontribusyon ng pagmimina ay may hangganan at matatapos oras na magamit ang yamang mineral. Ang pangmatagalang kawalan ng yamang mineral sa Pilipinas ay di na mababawi pa -- pinapatampok nito na kailangang mapakinabangan ng bansa ang mga benepisyo sa ekonomiya ng mineral na yaman nito lampas pa sa simpleng bahagi sa kikitain dito. Magiging ganap lamang ang mga dagdag na benepisyong ito kapag ang bansa ay may sariling industriya na nagpoproseso ng kaniyang yamang mineral at ginagamit ito bilang sangkap sa pagmanupaktura ng higit-sa-halagang intermediate at pinal na mga produkto.


Hinahango lamang ng mga kumpanyang nagmimina ngayon ang yamang mineral ng bansa upang ieksport at  para pakinabangan ng mga dayuhang ekonomya. Isang palatandaan, halimbawa, na noong 2011 ang US$43.3 milyon (Php88.5 bilyon) na eksport sa pagmimina ay katumbas ng 89% ng GVA ng pagmimina. Habang bahagi ng mga mineral ng bansa ay bumabalik bilang mga pinal na produktong inaangkat ng mga Pilipino, napakaliit nito kumpara sa ineksport na mina ng Pilipinas dahil napakanipis lamang ng palengke ng bansa para sa ganitong mga produkto kumpara sa maraming ibang bansa.

Sa kabilang banda, ang halaga ng mga serbisyong a nalikha ng mga kasambahay ay natantya sa pamamagitan ng pagtutuos (multiply) ng kanilang kabuuang bilang sa Php140.89 abereyds na arawang batayang sahod at  sa 365 araw ng taon -- sa total na Php100.3 bilyon. Ang abereyds na arawang batayang sahod ay itinuturing na katumbas ng pang-ekonomiyang halaga ng kanilang serbisyo. Ang remitans mula sa mga kasambahay sa ibang bansa ay natantya sa pamamagitan ng pag-multiply ng pagtatayang IBON na 1.3 milyon na nagtatrabaho sa ibang bansa at sa ipinagpapalagay na remitans na US$100 (Php 4,300) kada buwan -- sa total na Php167.4 bilyon.

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.