Bangon Pilipinas
 
IBON Books

NEWS Subscribe Live Bookmark

Comments (0)

Name
E-mail (Will not appear online)
Homepage
Comment
;-) :-) :-D :-( :-o :-O B-) :oops: :-[] :-P
»
page width: wide | narrow

Bulk Export Of Sugar To Blame For ‘Shortfall’ In Local Supply

IBON Media Release | 8 February 2010 - Off-season export aimed to exploit high global price at expense of local consumers

The supposed tight domestic stocks of sugar may be blamed on the country’s bulk and off-season export of sugar to the US, pushed by sugar exporters’ move to take advantage of the increasing global prices.

According to research group IBON, the country exported in bulk some 137,000 metric tons (MT) of refined sugar to the US in January 2010, a month ahead of its usual schedule of export. Moreover, sugar exports are usually done in installments every month starting February keeping pace with the season.

IBON says that the country may have exported sugar stocks reserved for domestic consumption and strategic reserve sugar because of the high global prices, leaving a tight supply for local consumption. As a response, the government is set to import 150,000 MT of sugar that is duty-free to dampen increasing local prices.

IBON says that it has been sugar exporters’ practice to re-allocate local stocks for US quota and world market sugar so that sugar may be bought at higher prices, but at the expense of ensuring the domestic sugar supply.

On the other hand, IBON has criticized the move to import sugar which benefits only the big traders taking advantage of the high prices in the world market. Moreover, the tax-free importation will cost the government P100 million for every 10,000 metric tons or P2.1 billion in foregone revenues.

IBON adds that the government importation of sugar is an unsound move because it fuels more speculation in the market and sends the message that there is indeed a shortage in sugar supply.

Instead of importing sugar, the group calls on the government to suspend sugar exports, and urges the Sugar Regulatory Administration (SRA) to fulfill its function of genuinely regulating sugar exports to ensure the interests of consumers. (end)



IBON Foundation, Inc. is an independent development institution established in 1978 that provides research, education, publications, information work and advocacy support on socioeconomic issues.



Bultuhang pag-eksport ng asukal ang salarin sa likod ng "pagkukulang" sa lokal na suplay

Pahayag sa Midya ng IBON | 8 Pebrero 2010 - Di-tagpanahong pag-eksport na ang layunin ay samantalahin ang mataas na presyong pandaigdigan sa kapinsalaan ng mga lokal na mamimili

Ang diumano'y mahigpit na lokal na kaban ng asukal ay masisisi sa bultuhan at di-tagpanahong pag-eksport ng asukal sa US, na itinulak ng hakbang ng mga taga-eksport ng asukal para samantalahin ang pagtaas ng pandaigdigang presyo.

Ayon sa grupo sa pananaliksik na IBON, ang bansa ay bultuhang nag-eksport ng 137,000 metriko tonelada (MT) ng pininong asukal sa US noong Enero 2010, isang buwang mas maaga sa karaniwang iskedyul nitong mag-eksport. Dagdag pa, ang pag-eksport ng asukal ay karaniwang ginagawa nang hulugan kada buwan simula Pebrero bilang pagsabay sa tag-panahon nito.

Anang IBON, maaaring nag-eksport ang bansa ng naka-istak na asukal na nakareserba para sa lokal na pagkonsumo at ng istratehikong reserba ng asukal dahil sa mataas na pandaigdigang presyo. Iniiwan nitong mahigpit ang suplay para sa lokal na konsumo. Bilang tugon, nakatakdang mag-angkat nang walang-buwis ng 150,000 MT asukal upang masuhayan ang tumataas na lokal na presyo.

Ayon din sa IBON, naging praktika ng mga taga-eskport ng asukal ang paglihis ng lokal na istak para sa US at pandaigdigang pamilihan upang mabili ito sa mas mataas na presyo, pero sa kapinsalaan ng pagtiyak ng lokal na suplay ng asukal.

Sa kabilang banda, pinuna ng IBON ang hakbang na mag-angkat ng asukal na pinakikinabangan lamang ng malalaking negosyante na nagsasamantala sa matataas na presyo sa pandaigdigang pamilihan. Laluna, gagastos ang gubyerno ng P100 milyon sa bawat 10,000 metriko toneladang walang-buwis na pag-angkat o kwenta P2.1 bilyong nawalang kita.

Idinagdag pa ng IBON na ang pag-angkat ng gubyerno sa asukal ay isang di-mainam na hakbang dahil lalo nitong pinatitindi ang ispekulasyon sa pamilihan at nagpapaabot ng mensaheng tunay ngang may kakapusan sa suplay ng asukal.

Sa halip na mag-angkat ng asukal, ipinanawagan ng grupo sa gubyerno na itigil ang pag-angkat ng asukal, at hinihiling sa Sugar Regulatory Adminstration (SRA) na tupdin ang gawain nitong tunay na kontrolin ang pag-angkat ng asukal upang tiyakin ang interes ng mga mamimili. #

(Ang IBON Foundation Inc., ay isang nagsasariling institusyon sa pag-unlad na itinatag noong 1978 na naghahatid ng pananaliksik, edukasyon, mga publikasyon, gawaing impormasyon at suportang pagtataguyod kaugnay ng mga isyung panlipunan at pang-ekonomya.)

Ibon.org, top
    Copyright © 2013 IBON.org.
    IBON Foundation Inc. All rights reserved.