(tagulaylay sa alburuto ng karaniwang tiyan)
Ang matabil na sugo ng busog na palasyo nabubulunan sa halagang sisenta y kwatro anunsyo’y sinok ng lalamunang di malagok ang kontra-agos sa nilutong datos: ang kape sa umaga sa gatas umasa ang kawali’y umay na sa itlog at lansa ang subo ng kanin munggo ang dilig pinaalat ng ilang piraso ng dilis ang dila’y inalo ng señoritang inamot sa tinderong nagsukli ng kamot at simangot bigo naman ang sabaw ng hinating tunsoy na yakapin ang ginaw ng gabi’t panaghoy at sa lumbay ng dilim walang ibang kulay kundi iilang piraso ng gulay; ang sisenta y kwatrong anunsyo ng palasyo sukat sa pinagdadamutan ng sahod at sweldo sa mga uring bundat at saka palalo kung makakabalik ka bukas sa’yong trabaho luho na ang kalansing ng sisenta y kwatro.