Ang Budol ng Taon

July 13, 2023

by IBON Foundation

Isang taon na mula noong umupo si Ferdinand Marcos Jr bilang Pangulo ng Pilipinas matapos ang isang makasaysayan at kontrobersyal na halalan noong Mayo 2022.

Kunwa’y magpakumbaba nitong inulat ang kaniyang unang taon bialng “work in progress.” Binatbat ang unang taon ni Marcos Jr ng sandamakmak na suliraning pang-ekonomiya at panlipunan. Mas sumahol ang kalagayan ng mamamayang Pilipino ngayon.