RenewPH Now - Buod

I. Unawain ang enerhiya sa Pilipinas

Binibigyang-buhay ng kuryente ang mga tahanan natin, paaralan, ospital, mga sakahan, transportasyon, industriya at mga negosyo. Kung walang maaasahan at murang kuryente, mahihirapan ang mga pamilya sa araw-araw at hindi lalago ang mismong ekonomya. Apektado ng kuryente ang bawat aspeto ng buhay—mula sa desisyon kung sino lilikha nito, sino ang may kontrol nito, at kung sino ang makikinabang mula rito ay ang mga usapin na may kinalaman sa interes ng publiko.

Nililikha ng Pilipinas ang kanyang kuryente mula sa fossil fuels at sa renewable energy. Ang coal pa rin ang pinaka-nagbibigay supply sa malaking bahagi ng kuryente ng bansa, habang ang geothermal, hydropower, solar, wind at biomass ang bumubuo sa pinagkukuhanan ng bansa hinggil sa renewable energy. Gayunpaman, ang bansa ay patuloy na umaasa sa inaangkat na langis kung saan ginagawang bulnerable ang kuryente sa pandaigdigang pagtaas ng presyo (global price increase) at mismong pagkaantala ng supply.

Nananatiling mahal ang kuryente dahil ang Pilipinas ay patuloy na umaasa sa inaangkat na fossil fuels, ang paglikha at pamamahagi ng kuryente (electricity generation and distribution) sa malaking bahagi ay pribado, ang mga konsyumer ang pumapasan sa maraming gastusin ng mga private investment dahil sa iba’t ibang singil sa mga bayarin sa kuryente. Sa kabila ng paglago ng mga renewable energy, nananatiling pinakamahal pa rin ang kuryente sa Pilipinas kung ikukumpara sa buong Timog Silangang Asya.

Ang Philippine Energy Mix ay tumutukoy sa iba’t ibang mga pinagkukuhanan para sa paglilikha ng kuryente ng bansa—coal, natural gas, oil, geothermal, hydropower, solar, wind, at biomass. Ang bawat mapagkukunan ng mga ito ay umaambag sa iba’t ibang bahagi ng pangkabuuan ng suplay ng kuryente.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay umaasa halos sa fossil fuels, partikular sa coal, kung saan ito ang may pinakamalaking bahagi ng paglikha ng kuryente. Ang mga renewable energy sources tulad ng geothermal, hydropower, solar, wind at biomass ay nakakapag-ambag sa energy mix at sa mas signipikanteng potensyal para sa kakayahang makapagbigay ng mas malinis, maaasahan at lokal na enerhiya. Ang mas balanseng energy mix ang magpapataas ng bahagi ng renewable energy na maaaring makatulong sa pagbabawas ng pagiging palaasa sa inaangkat na fossil fuels at suportahan ang mas sustinable at tiyak na enerhiya para sa kinabukasan.

Tignan natin ang energy mix bilang “recipe” ng bansa para sa paglilikha ng kuryente. Kapag mas malaki ang bahagi ng bawat energy source, mas malaki ang impluwensya nito sa presyo ng kuryente, seguridad sa enerhiya, at mismong epekto nito sa kapaligiran.

Hindi pa nakakabuo ng sariling lokal na pagkukuhanan ng enerhiya ang bansa at ito ay naka-depende pa rin halos sa inaangkat na coal, oil, at gas, kaya ginagawang bulnerable ang kuryente sa pandaigdigang presyo sa merkado at sa mismong pagkaantala ng suplay.

II. Renewable energy o malinis na enerhiya

Nanggagaling ang renewable energy sa likas na yaman na tuluy-tuloy na napupunan muli, tulad ng solar (sunlight), wind, hydropower (flowing water), geothermal (heat from beneath the Earth’s surface), at biomass (organic materials such as agricultural waste and other plant and animal matter). Hindi tulad ng fossil fuels, ang mga energy sources na ito ay natural na nag-replenish at ginagamit para lumikha ng kuryente na may mababang greenhouse gas emissions.

Mayaman ang Pilipinas sa renewable energy resources, ibig-sabihin ang bansa ay may signipikanteng kakayahan para magkaroon ng malinis, lokal, at sustinableng enerhiya.

Oo.

Mayaman sa solar, wind, hydro, geothermal at biomass na rekurso ang Pilipinas. Ang mismong offshore wind natin ay may kakayahang lumikha ng mas maraming kuryente kung ikukumpara sa kinukunsumo ng bansa sa kasalukuyan. Ang hamon dito ay hindi tungkol sa availability ng mga resources, kundi sa kung paano ito binubuo, pinagmamay-arian at pinamamahalaan.

Hindi.

Makakapagbawas ang renewable energy ng mga gastusin sa pangmatagalan, pero ang pagbaba ng presyo ay hindi agaran. Ang presyo ng kuryente ay nakadepende sa mga polisiya, sa pagmamay-ari, sa regulasyon, sa usaping pinansya, at sa kung paano inoorganisa ang sektor ng kuryente. Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang mga proyekto hinggil sa renewable energy ay pwedeng lumawak nang hindi ginagawang mura at abot-kaya ang kuryente para sa mga konsyumer.

Nararapat na ang renewable energy ay maging kapakipakinabang para sa mga konsyumer, manggagawa, magsasaka, mangingisda, katutubo at sa mga lokal na komunidad.

Mayaman ang Pilipinas sa renewable energy resources at may signipikanteng kakayahan para makagawa ng mas malinis at sustinableng kuryente. Gayunpaman, hindi nangangahulugang dahil pinapalawak ang mga proyekto sa renewable energy ay awtomatiko na magiging abot-kaya, abot-kamay at patas ang kuryente. Sa kasalukuyang mga polisiya, maraming proyekto sa renewable energy ay tulak ng mga private investment at komersyal na interes. Bilang resulta, hindi naaaot ng mga benepisyo ng renewable energy ang mayorya ng mga konsyumer at ng mga komunidad.

Ang pinakamainam na renewable energy transition ay ang pagbubuo ng mga renewable energy sa mga pamamaraan na makakapagbigay ng abot-kaya at maaasahan na kuryente, pagpapalawak ng akses nito sa mga hindi napagsisilibihan na mga komunidad, protektahan ang karapatan at kabuhayan ng mamamayan, at tiyakin na ang benepisyo ng mga clean energy ay pinaghahatian nang patas.

III. Mga konsyumer

Oo, pero malaking hadlang ang paggastos para rito. Ang mga rooftop solar systems ay kadalasan nangangailangan ng malaking paunang puhunan, kaya hirap ang karamihan sa mga pamilya na magkaroon nito kung walang pagpopondo sa kanila.

Programa ng gobyerno ang net metering. Pinapayagan ang mga bahay, negosyo at iba pang qualified na konsyumer ng kuryente na magkaroon ng rooftop solar panels para gamitin para sa kuryente na pwede nila likhain batay sa kanilang pangangailangan. Kapag lumikha sila ng mas madaming kuryente kaysa sa kanilang kino-consume, ang sobrang kuryente ay pwedeng ipadala sa electricity grid kung saan pwede itong ipamalit para sa credits na magpapababa sa bayarin sa kuryente.

Binibigyang- oportunidad ng net metering ang mga konsyumer para lumikha ng kuryente nila habang nananatiling konektado pa rin sa grid. Gayunpaman, ang pag-install ng rooftop solar system ay kadalasan nangangailangan ng malaking paunahing puhunan, na siyang malaking hadlang para sa maraming pamilya.

Habang makakatulong ang rooftop solar sa mga pamilya na bumaba ang bayarin nila sa kuryente at maka-ambag sa paggamit ng clean energy, maraming Pilipino pa rin ang kumakaharap sa kahirapan at hadlang sa pag-install ng sarili nilang system.

Isa sa malaking kahirapan ang mataas na paunahing gastusin para sa pamimili at pag-install ng solar panels. Maraming pamilya ang walang akses sa murang pagpopondo, habang ang proseso para sa application at mga kailangan na permit ay mahirap pa rin kuhain. Dagdag pa rito, maraming konsyumer ay hindi pa rin alam ang mga programa tulad ng net metering, o kadalasan wala silang akses para sa maaasahang impormasyon at teknikal na suporta.

Ang pagpapalawak ng suporta mula sa gobyerno, gawing abot-kamay ang pagpopondo, pagpapadali ng proseso para sa application at ang pagbibigay ng mas madaling impormasyon para sa mga konsyumer ay makakatulong para maging abot-kamay ang rooftop solar sa mga Pilipino.

IV. Mga komunidad

Oo. Maaaring bumuo, magmay-ari, at pakinabaangan ng mga komunidad ang mga renewable energy projects. Kasama nito ang mga solar, micro-hydro, wind o iba pang renewable energy system na pwedeng magbigay ng kuryente sa mga bahay, paaralan, health centers, sakahan at maliliit na negosyo.

Sa Pilipinas, may ilang komunidad na ang nagpakita ng kanilang sariling inisyatiba sa renewable energy na maaaring makatulong sa energy access, suportahan ang lokal na pamumuhay at palakasin ang partisipasyon ng bawat isa. Ang mga inisyatibang ito ay nagpapakita na ang renewable energy ay maaaring maging higit pa sa mapagkukuhaan ng kuryente—maaari rin nito palakasin ang mga komunidad at mag-ambag sa lokal na pag-unlad.

Pero mayorya pa rin sa mga komunidad ay humaharap sa mga kahirapan dahil sa limitadong pagpopondo, teknikal na kapasidad at mga suporta kaugnay ng polisiya. Ang pagpapatibay ng mga assistance mula sa gobyerno at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa partisapasyon ng komunidad ay maaaring tumulong para sa magkaron ng kapaki-pakinabang na renewable energy sa komunidad.

Ang pagkakaroon ng renewable energy sa mga komunidad ay kumakaharap sa ilang mga kahirapan, tulad ng limitadong pagpopondo, technical expertise at suporta sa gobyerno. Marami sa komunidad ay kumakaharap pa rin sa kahirapan tulad ng kakulangan sa kaalaman tungkol sa permits at ang pagdidikit ng proyekto sa power system.

Dagdag pa, ang mga polisiya at incentives ay mas pabor sa mga large-scale renewable energy investment kaysa sa pro-community o community-led na inisyatiba. Ang ilang malalaking proyekto ay naging alarma sa mga komunidad hinggil sa paggamit sa lupa, pag-displace sa mga komunidad, at ang epekto nito sa kapaligiran at mga lokal na pangkabuhayan. Kung walang malakas na suporta sa publiko na pinaprayoritisa ang mga komunidad, maraming mamamayan pa rin ang hindi makakalahok at makikinabang sa transition sa renewable energy.

Oo. Habang ang renewable energy ay mahalaga para sa pagbawas ng pagiging palaasa sa fossil fuels, hindi lahat ng renewable energy projects ay ginawa sa paraan na maaaring protektahan ang mga mamamayan at ang kapaligiran.

May mga malalaking renewable energy projects na nagbanta at nanira ng mga kagubatan, sakahan, mangroves, at mga katutubong lupa, at nagdulot ng displacement sa mga komunidad sa kanayunan. May ilang kumaharap sa oposisyon dahil sa mga apektadong komunidad na hindi maayos na kinonsulta o hindi nakakuha ng pantay na benepisyo sa mga proyektong ito.

Ang isang just renewable energy transition ay nangangahulugang pagbubuo ng mga renewable energy na gumagalang sa karapatan ng mamamayan, pinoprotektahan ang ecosystem at ang kabuhayan, at tinitiyak na ang komunidad ay lumalahok sa mga desisyon na maaapektuhan sila.

VI. Adbokasiya

A just energy transition means shifting to renewable energy in ways that make electricity more affordable and accessible, protect workers, farmers, fisherfolk, and Indigenous Peoples, strengthen community participation, and ensure that clean energy benefits the people foremost rather than concentrated among large corporations.

Ang kailangan na reporma ng just energy transition ay ang paglalagay sa mamamayan bilang sentro ng energy system ng bansa. Tinitiyak nito na gagawing abot-kaya, abot-kamay ang kuryente, pinapataas ang paggamit ng renewable energy, at tinitiyak na ang pinakamalaking benepisyo ng transition ay mapupunta sa mga konsyumer at komunidad—hindi sa mga pribadong mamumuhiunan.

Ibig ding sabihin nito ang pagpapalakas at pagpapatibay ng tungkulin ng gobyerno sa pagpaplano at pagpapalakas ng energy sector, pagpapalawak sa suporta para sa maka-komunidad na renewable energy projects, pagprotekta sa komunidad at kapaligiran, at paghikayat pa ang partisipasyon ng publiko para sa energy planning at mismong pagbubuo ng mga desisyon.

VI. Pag-unawa sa grid

Ang electricity grid ay network ng transmission lines, substation, at iba pang pasilidad na nagdadala ng kuryente sa mga power plants para sa distribution utilities at electric cooperatives bago ito umabot sa ating mga tahanan, negosyo, paaralan, ospital at mga komunidad.

Kung wala ang grid, ang kuryente nililikha sa isang lugar ay hindi mapapadala sa iba pang mga konsyumer.

Ang transmission ay ang proseso ng pagtransport ng kuryente sa malalayong distansya sa mga power plants papunta sa distribution utilities at electric cooperatives tungo sa high-voltage power lines.

Maaaring ihalintulad ang transmission sa highway ng kuryente ng bansa. Dinadala nito ang malalaking bahagi ng kuryente nang mabilis at mahusay sa iba’t ibang bahagi ng mga rehiyon.

Mahalaga ang grid dahil kinukunekta nito ang mga prodyuser ng kuryente sa mga konsyumer. Pinapahintulutan nito ang mga kuryente na ginagawa sa pamamagitan ng coal, natural gas, geothermal, hydropower, solar, wind, biomass, at iba pang energy sources upang abutin ang mga tahanan, negosyo, paaralan, ospital, sakahan at mga komunidad.

Tumutulong din ang grid sa pananatiling maaasahan (reliable) ang kuryenta sa pamamagitan ng pagbabalanse ng supply at demand sa iba’t ibang bahagi ng mga lugar. Habang pinapalawak ng bansa ang renewable energy, ang isang moderno at maayos na grid ay esensyal sa pagkunekta pa sa maraming clean energy projects, pagpapakasuhay sa energy security, at pagtitiyak na ang mga benepisyo ng renewable energy ay aabutin ang mga konsyumer at komunidad.

Nangangailangan ng grid ang renewable energy projects para ipadala ang kuryente sa mga konsyumer.

Ang grid ang nagiging daan para sa kuryente, mula sa solar, wind, geothermal, hydropower at biomass na pasilidad, na mabahagi sa iba’t ibang lugar, tinutulungan ito na matiyak na ang mga bahay at negosyo ay patuloy na makakuha ng kuryente kahit na magbago ang panahon o tumaas ang pangangailangan o demand para rito.

Mapapadali ng malakas at pleksible na grid ang pagkunekta sa mas marami pang renewable energy projects.

Isa ang solar energy sa pinaka-maaasahan ng bansa sa renewable energy sources, pero makakabuo lang ito ng kuryente habang sikat ang araw. Ang coal at iba pang conventional na power plants ay kayang gumana nang tuluy-tuloy kahit ano pa ang panahon o oras.

Kung ganon, ang pagpapalit sa coal ay nangangailangan ng mas madami pang solar farms. Kinakailangan din nito ng mas malakas na grid, energy storage tulad ng mga batteries, at iba pang renewable energy sources tulad ng geothermal at hydropower, at mas maayos na pagplano para matiyak na maaasahan ang suplay ng kuryente sa buong araw.

Ang balancing ay ang pagpapanatili ng kuryenteng sapat sa aktwal na gamit dito sa bawat panahon.

Dahil ang kuryente ay hindi basta basta marereserba sa isang malakihang imbakan, tuluy-tuloy na binabalanse ng grid operators ang supply at demand para maiwasan ang mga brownout o power interruptions. Habang dumadami ang solar at wind power na dinadagdag sa system, mas kinakailangan ang mahusay na pagbabalanse.

Batteries ang nag-iimbak ng kuryente para may magagamit pa sa susnod na pangangailangan.

Kaya nito magreserba ng kuryente na nilikha sa maaraw o mahangin na panahon at ilabas sa tuwing ang nabubuo na renewable energy ay bumababa o ang demand para sa kuryente ay tumataas. Tinutulungan nitong mapahusay pa lalo at maasahan ang grid para sa renewable energy at bawasan ang pangangailangan na umasa sa fossil fuels tuwing mataas ang demand.

Nangyayari ang curtailment tuwing ang renewable energy plant ay napipilitan na mabawasan o tumigil sa paglilikha ng kuryente kahit na kaya pa nito makabuo ng maraming kuryente.

Nangyayari ito kapag hindi sapat ang kapasidad ng grid para tumanggap pa ng dagdag na kuryente o dahil mas mataas na ang supply kumpara sa demand.

Nangyayari ang curtailment kapag hindi pa nagagamit lahat ng renewable energy, kaya pinapahirap nito ang pagmaksimisa ng mga benepisyo ng clean energy investments.

Ang pagkukunekta ng bagong power plant sa grid ay nangangailangan ng mas teknikal na pag-aaral upang matiyak na ang sistema ay ligtas at maaasahan na tumanggap pa ng dagdag na kuryente.

Kung ang transmission lines ay puno na at kung kinakailangan ng mga karagdagan na upgrades, ang pakinabang sa mga renewable energy projects ay maaaring maantala bago sila makapagsuplay ng kuryente.

Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nagpapatakbo, nagmamantine at nagpapalawak ng transmission grid ng bansa sa ilalim ng isang concession agreement kasama ang gobyerno.

Dahil ang NGCP ang namamahala sa nag-iisang transmission network ng bansa, malaki ang epekto ng mga desisyon nito sa bilis ng pagkonekta ng mga bagong planta ng kuryente—kabilang ang mga renewable energy project—sa grid, sa reliability ng suplay ng kuryente, at sa pagpapaunlad ng transmission system upang matugunan ang pangmatagalang pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

Ang grid ang mapagpasya nakakaapekto kung gaano maaasahan, abot-kaya, at sustinable ang kuryente.

Kung maayos ang pagpaplano at pagpapaunlad ng grid, mas magiging madali ang pagkonekta ng mga renewable energy project, mas titibay ang seguridad sa suplay ng enerhiya, at mas marami ang magkakaroon ng akses sa kuryente. Sa kabilang banda, kung luma o kulang ang kapasidad ng grid, maaaring maantala ang pagpapaunlad ng renewable energy, tumaas ang gastos, at mas mahirapang makinabang ang mga komunidad at mga konsyumer sa paglipat sa malinis na enerhiya.