Mga pagkakataon para sa partisipasyon ng publiko at reporma sa palisiya

Kailangang baguhin ang kasalukuyang direksyon para tiyakin na ang paglipat sa renewable energy ay higit na mapapakinabangan ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, katutubo, mga konsyumer, mga organisasyong sibiko, at mga lokal na pamahalaan—hindi sa iilang may malalaking interes sa negosyo. Mahalaga rin ang tunay at makabuluhang konsultasyon sa publiko para tiyakin na ang mga proyekto sa renewable energy ay tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad habang pinangangalagaan ang kanilang kabuhayan, kalikasan, at mga karapatan.

Dapat ding ituon ang mga reporma sa paggawa ng renewable energy na mas abot-kaya, mas madaling maabot, at mas may pananagutan sa publiko. Kabilang dito ang mas matibay na suporta sa mga renewable energy project na nakabatay sa komunidad, pagpapalawak ng suporta sa pagpopondo para sa maliliit na prodyuser, pagpapataas ng transparency sa pagpaplano ng sektor ng enerhiya, at pagtiyak na may tunay na boses ang mga apektadong komunidad sa mga desisyong may epekto sa kanila. Sa pangmatagalan, ang layunin ay isang sistema ng enerhiya na kumikilala sa kuryente bilang isang batayang serbisyong pampubliko at inuuna ang kapakanan ng mamamayan kasabay ng pangangalaga sa kalikasan sa pagpapaunlad ng renewable energy.