Kalkulahin ang Solar
Nag-iisip ka bang magpakabit ng solar panels? Makakatulong ang libre at open-source na solar calculator na ito para matantiya kung gaano karaming kuryente ang kayang i-produce ng solar system para sa bahay mo, gaano kalaking sistema ang kakailanganin mo, at mga ilang taon bago mabawi ang gastos sa pag-install. Magandang panimulang gabay ito para maikumpara ang iba't ibang opsyon at makapagpasya batay sa impormasyon—hindi lang sa sales pitch o mamahaling quotation.
Kasabay nito, alam nating hindi pa abot-kaya ng maraming pamilyang Pilipino ang magpakabit ng rooftop solar dahil sa malaking paunang gastos. Hindi dapat nakadepende lang sa kakayahang gumastos ng bawat pamilya ang pagkakaroon ng malinis at abot-kayang enerhiya. Bukod sa mga kasangkapang tulad ng calculator na ito, kailangan ng mas matibay na suporta mula sa pamahalaan, mas maraming community-based renewable energy projects, at mga patakarang magbibigay ng tunay na abot-kaya at madaling ma-access na malinis na kuryente para sa lahat. Dapat may akses ang bawat Pilipino sa ligtas, maaasahan, abot-kaya, at sustenableng enerhiya—hindi bilang pribilehiyo, kundi bilang isang karapatan.