“Ano ang direksyon sa ekonomya sa ilalim ng administrasyong Duterte?
I-download dito ang Usapang IBON Praymer Yearend 2016 “Ang Pihit sa Ilalim ng Gubyernong Duterte”
‘Tinangan ng administrasyong Duterte and Ambisyon Natin 2014 na inumpisahan ng rehimeng Aquino. Gagabayan nito ang mga magiging Philippine Development Plan (PDP) ng mga administrasyon sa loob ng mahigit dalawang dekada. Dala-dala nito ang 10+0 Socioeconomic Agenda ng administrasyong Duterte. Ipinagpapatuloy ng administrasyon ang mga neoliberal na patakaran sa likod ng tabing ng kontrobersyal na digma kontra-droga at retorika ng nasyonalismo at malasakit sa mahirap.
“Pinapatingkad ng neoliberalismo ang papel ng Estado sa pagpapalaganap ng kapitalistang pagkamal ng tubo, gamit ang rekursong publiko, habang inaalisan ang mamamayan ng bahagi sa proseso. Kabilang dito ang paglikha ng mga ligal at institusyonal na istruktura para mamayani ang merkado at mga korporasyon sa panlipunan at pang-ekonomyang aspeto ng buhay ng mamamayan. Hinihiling ng mga dayuhang mamumuhunan ang kalayaan na kumilos nang walang hadlang, hangga’t maaari, mula sa anumang uri ng regulasyon kahit sa mga larangan na nasasangkot ang pangkalahatang kagalingan ng publiko, halimbawa sa mga pampublikong yutilidad at panlipunang serbisyo.”