Sa lala ng krisis ng bansa, ang pagtutulak ng Charter change (Cha-cha) ang inaatupag ng kampong Marcos-Romualdez.
Mainit ang mga kontrobersya – sa pagitan ng Kamara at Senado, sa hiwalayang Marcos-Duterte, maski sa loob ng pamilya ng pangulo. Pero pinakakontrobersyal ang mga panukala mismo – nakapipinsala ang mga ito sa ekonomiya at demokrasya.
Kasalukuyang nireresolba ni Bongbong Marcos ang mga pagtatalo, pero sa manera lang ng Cha-cha at hindi para iurong ang mga panukala. Sa partikular pa nga, pinakakalma at pinagkakaisa niya ang Kongreso sa pagpokus lang daw ng Cha-cha sa higit pang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan. Binibigyan-katwiran niya ang Chacha sa pagpipilit na dayuhang pamumuhunan ang kailangan natin para umunlad.
Akala yata ng mga nasa poder na uubra ang pangangako ng kaunlaran bilang pantabing sa pansarili nilang interes sa Cha-cha. Ang totoo, mismong ang pangangatwiran para sa ekonomiya ang magpapatingkad ng pagka-anti-mamamayan ng Cha-cha ni Marcos Jr.
RELATED: The spectacular errors of economic cha-cha proponents