Dumating na ba ang Bagong Pilipinas?

January 18, 2024

by IBON Foundation

Sa isang tingin, umaarangkada na ang ekonomiya ng Pilipinas sa magdadalawang taon ng gobyernong Marcos Jr. Lumalago rin ang negosyo at kita ng malalaking negosyante. Umaayos naman ang pinansya ng gobyerno, at ikinatutuwa ito ng mga nagpapautang. Ginagamit ng administrasyon ang mga estadistikang ito bilang pruweba na wasto ang estratehiya para sa ekonomiya at tama lang na ipagpatuloy ito.

Pero sa mas masusing pagtingin, ang lala ng kalagayan ng mamamayan. Hindi rin kayang pagtakpan na ang lala ng direksyon ng gobyernong Marcos Jr, sa ekonomiya man o politika ng bansa, pruweba na sumahol lang ang pamumuno. Mayroon tayong kakayahang umunlad, iyan ang totoo, pero ang pagpapayaman ng iilan at pangungunyapit sa kapangyarihan ang inaatupag ng nasa poder.